Pagpapakilala / Introductory
FILIPINO
Isang masayang pagbati sa mga gumagamit ng Steem! Nalulugod akong maging bahagi ng pamayanan ng Steem. Sa pagsimula kong maglathala dito sa Steem, nais kong ibahagi ang aking mga ideya, kaalaman, at mga kuro-kuro sa maraming bagay. Tinatanaw ko rin ang pagbabasa ng mga sinulat ng iba. Sa mga susunod na talata, ipakikilala ko sa inyo ang aking sarili.
Ako ay isinilang sa Pilipinas pero nangibang bansa sa New Zealand pitong taon na ang nakalilipas. Dito na rin ako permanenteng naninirahan kasama ang aking asawa. Pareho na kaming mamamayan ng New Zealand pero sa kabila noon, patuloy pa rin naming isinasabuhay ang mga mabubuting gawa at asal ng mga Filipino. Marami akong interes at ito ang malamang pagkunan ko ng mga nilalaman sa mga isusulat ko.
Mahilig ako sa musika. Natuto akong tumugtog ng gitara noong 13 taong gulang ako. At doon na ako nagka-interes sa iba pang mga instrumento. Hindi ako mahusay kumanta pero nasa pagtugtog ang talento ko. Tumutugtog din ako ng ukelele, organ, lira, at iba pang instrumentong may kahalintulad ng tiklado ng piano. Hindi ako natuto ng piano dahil nahirapan akong gamitin ang kaliwa kong kamay sa pagbabasa ng piyesa. Bagaman marunong akong bumasa, mas nangingibabaw sa akin ang tumugtog gamit ang tenga. Mayroon din akong tambol na kahon sa bahay na ginagamit ko kapag dumadalaw ang mga kaibigan upang maki-jam.
Isa rin sa mga libangan ko ang paghahalaman. Marami akong tanim - gulay, mga halamang namumulaklak, malunggay, kadyos na paborito ko noong kabataan ko, at mga carnivorous plants. Bukod sa maayos na pakiramdam na dulot ng libangang ito, nakakatulong rin ito sa pinansiyal na pamamamaraan dahil nakakapagtinda ako ng ibang mga halaman at buto sa mga kapitbahay at mga kaibigan.
Mahilig din akong magbasa. Naniniwala akong patuloy na natututo ang isang tao sa pagbabasa. Hindi ko sinasabing dalubhasa ako sa maraming bagay, pero magandang mayroon kang kaalaman kahit maliit lang sa maraming bagay. Mga bagay na karamihang binabasa ko - sikolohiya, ekonomiks, astronomiya, pulitika, at marami pang iba. Noong nagtapos ang ako sa mataas na paaralan, muntik na akong mapapasok ng seminaryo at naging pari sana. Hindi man iyon ang daang tinahak ko, aktibo pa rin ako sa simbahan at ibinabahagi ko ang kakayahan ko sa musika sa pamamagitan ng pagtugtog sa tuwing may misa. Sa palagay ko, ang pundasyon ko sa relihiyon ang pangunahing dahilan bakit nakakapagsulat ng mga lathalain sa buhay-buhay. Huwag kayong mag-alala, hindi ko gawain ang magbagi ng tungkol sa relihiyon at pulitika na kadalasan ay mas pinagmumulan ng hindi pagkakaunawaan.
Bagaman may nakasulat na bersyon sa Filipino dito sa post ko na ito, karamihan ng mga magiging laman ng aking blog ay sa wikang Ingles, at walang salin sa wikang Filipino. Bagamat matatas pa rin akong magsalita ng Filipino, gugugol masyado ng oras kung dalawang wika lagi ang gagamitin ko sa tuwing gagawa ako ng bagong post. Sisikapin ko naman na magpost sa wikang Filipino kung ito ang mas nararapat.
Salamat sa pagbabasa at pahahalagahan ko ang mga komento nyo.
ENGLISH
Joyous greeting to Steem users! I am glad to be a part of the Steem community. As I start publishing here in Steem, I want to share my ideas, knowledge, and my views about many things. I also look forward reading other's post. In the succeeding paragraphs, I will introduce myself.
I was born in the Philippines but migrated to New Zealand seven years ago. I now live here permanently with my wife. We're both New Zealand citizens but despite of that, we still live the good values and attitudes of Filipinos. I have a lot of interests and these will be the source of the contents of my posts.
I like music. I started playing the guitar when I was 13. That's also when I got the interest to learn playing other instruments. I am not a good singer but I playing music is what my talent is. I also play ukelele, organ, lyre, and other instruments that have similarities with piano keys. I did not learn to play the piano since I had a hard time using my left hand when reading piano pieces. While I know how to read them, I used more of my ear when playing. I also have a cajon drum which I use when my friends visit to jam with me.
One of my hobbies is gardening. I have many plants - vegetables, flowering plants, moringa, pigeon peas which are my favorite during my childhood, and carnivorous plants. Aside from the good feeling I get when gardening, it also helps me financially since I get to sell my plants and seeds to my neighbors and friends.
I also like to read. I believe that one continues to learn through reading. I not saying I am an expert in so many things, but it is good to get to know a little of everything to many things. The things that I frequently read - psychology, economics, astronomy, politics, and many more. When I finished my high school, I could have entered the seminary and become a priest. While it is not the path I took, I am still active in church and I share my musical talent by playing during mass service. I think, my religious foundation is the main reason why I can write things about life. Do not worry, I don't write much about religion and politics which commonly cause misunderstanding.
While this post has Filipino version, most of my blog's content will be in English, and will not have Filipino translation. While I still speak Filipino fluently, it will take so much time writing my content in both languages. I will try to post in Filipino if it will be more appropriate.
Thank you for reading and I appreciate your comments.
Leoneil
Comments